Isang mapagpalang hapon sa lahat ng naririto, aking mga kamag-aral at guro. Isang malaking pribilehiyong bigyan ako ng pagkakataon na magsalita patungkol sa isang isyu na sa tingin ko ay dapat nating bigyang pansin. At ito nga ay ang Cyber Bullying. Makailang beses na bang naglabas pasok sa kanan at kaliwang tenga mo ang dalawang salitang ito? Cyber.. Bullying..? Nagsasawa ka na ba? Na sa ilang taon mong ginugol ang iyong pag-aaral ay ang dalawang salita pa rin na ito ang hindi mo matakasan, balita? Tsismis sa eskwelahan? At iba pa. Bakit nga ba? Simple lang naman ang sagot.
Dahil ito ang reyalidad sa makabagong mundo. Ito ang napapanahong balita na kalianma’y hindi maluluma. Napapanahong problema na kumakain sa sistema ng mga kabataan. Kabataan na sumibol at lumaya sa siglong hinaharap natin sa kasalukuyan. Na kung tayo nga’y tawagin ay mga 21st century learners. Tayo ang mga mag-aaral na ginagabayan ng teknolohiya upang matuto at mag-bahagi ng kaalaman sa iba. Teknolohiya na bumubuhay sa ekonomiya, teknolohiyang nag-papagaan sa dating mahirap na buhay, teknolohiyang hatid ay kasiyahan. Pero lahat naman siguro ng bagay sa mundo ay may katumbas na epekto. Kung merong puti, mayroong itim. Kung mayroong mabuti, mayroon ding masama at katulad ng teknolohiya, may kakayahan din itong sumira ng buhay. Cyber bullying nga talaga ang napapanahong balita na kailanma’y di maluluma dahil sa teknolohiya.
Naglipana na sa Cyber world ang mga social networking sites na talagang kinaaadikan ng lahat. Nariyan at hatid ng malaki at malawak na internet ang facebook, twitter at instagram. Kahit gaano kalawak ang internet, tiyak naman na liliit ang iyong mundo dahil sa social media na maglalapit sa iyo sa ibang tao. Sa taong hindi mo kilala, at hindi ka rin lubusang kilala.Ayon sa surbey, mataas ang ranggo ng Pilipinas sa estadistika ng pambubully sa buong mundo. Pwede nating ikumpara ang Cyber bullying sa isang virus na nagkalat kung saan-saan. Parang Zombie Virus na nagsisimula sa isang zombie, maghahanap ng biktima at ikakalat ang zombie virus. Pero sa ibang paraan, sa paraang mabilis, sobrang bilis. Yung tipong isang pindot mo lamang sa mouse ay nariyan na. Infected ka na! Tama! Sa paraang Social Media. Kakagatin ka ng bawat salitang ini’status niya sa fb, lalamunin ka ng lupa dahil sa larawan mong ipi’nost niya sa instagram at babatuhin ka ng maaanghang na salita dahil hindi sila sang-ayon sa tweet mo sa twitter.Kawawa ang taong na-infect. Para kang pasahero sa Train to Busan na nawalan na ng pag-asa dulot ng negatibong epekto sa iyo ng pam-bubully, depresyon na kalauna’y maaaring humantong sa suicide dahil sa sobrang kahihiyan.
Lahat ng tao ay may sapat na kaalaman tungkol dito, at lahat naman siguro ay nauunawaang mali ito. Totoo, Mali ang Bullying! Mali ang Cyberbullying!,. Kailan pa naging tama ang mali? Ano ang pinaglalaban ko? Eto,. etong kamalian na hindi maintindihan. Dahil sa sabi nga ni Jose Rizal, walang mali sa paglaban, sapagkat lumalaban dahil may mali. Hindi ko na pahahabain pa ang talumpating ito. Itanim lamang sa ating isipan , gunitain at paulit-ulit na sabihin sa sarili ang mga katagang “Hindi ako bully, hindi ako mam-bubully at hindi ako mabu bully”. Muli, isang magandang hapon sa ating lahat.